Graziel Ann Ruth
Santiago Latiza Mayo
6, 2014
Social Climbers
& Mammals STS
X2
Reaksyong Papel
Kaaad na maiisip ang teorya na
nagmula ang mga tao sa pagiging mga unggoy noong unang panahon sa unang
pagkakita pa lamang sa dokumentaryo. Tunay nga naman na mayroong pagkakawangis
ang katawan, gawi, at kaugalian ng mga tao sa kanila. Tulad lamang ng mismong
porma ng pangangatawan kung saan ang kanilang mga kamay ay maaaring
maihalintulad sa tao di lamang sa hitsura kung hindi sa pagkagamit ng mga ito
at pati na ang hubog. Gayon pa man, makikita sa dokumentaryo ang mabusising
pag-aaral at paghahalintulad natin sa kanila.
Ang kanilang
Mundo
Nakatutuwang malaman na sa mundo ng
mga unggoy ay mayroong hindi lamang iisang uri nila kung hindi ay marami pa.
Nagkakaiba-iba sila sa pamamagitan ng mga kulay at paraan ng paglikha ng tunog
na nakikilala ng mga kauri nila.
Mayroon ding mga pangkat na
nagtatagisan ng kanilang mga lakas upang malaman kung sino ang nararapat na
manatili sa lugar na pinaglalabanan.
Madali rin nilang malaman kung ano
nga ba ang halaman o bunga na maaaring kainin at hindi. Nakamamangha na
nalalaman nila ang pagkain sa hindi sa dinami-rami ng mga halaman at bungang
nagkalat sa loob ng kagubatan. Isang halimbawa ng kagalingan nila ay ang
pagpapatong ng host ng dalawang uri
ng halamang magkawangis na magkawangis sa ibabaw ng nabuwal na puno. Tinignan
niya kung ano nga ba sa dalawa ang kukuhanin ng mga unggoy. Ang isa ay ang
kanilang pagkain at ang isa naman ay halamang nakalalason. Ilang sandali lamang
ay kinuha ng unggoy ang halamang nakakain. Patuna lamang na hindi maaaring
linlangin ang kagalingan ng kanilang mga paningin sa paghanap ng makakain sa
kanilang paligid.
Makabagbag damdamin rin na
pinakitang napakahalaga sa kanila ng pagaaruga ng isang ina. Ang isang ina
habang nagaaruga ng batang unggoy ay binibigyang lugar ng ibang kauri nila para
sa pagpapahinga. Malinaw na nagpapakita ng kanilang respeto sa mga nagaaruga sa
kanilang uri.
Naroon din ang elemento ng
paglilibang dahil pinakita sa dokumentaryo na mayroon silang paraan ng
paglalaro na para bang sumusubok ng lakas ng bawat isang manlalaro. Kasama rin
sa kanilang paglilibang ang kanilang paraan ng paglikha ng mga tunog na ayon sa
dokumentaryo ay ang kanilang “paguusap.” Lumilikha sila ng mga tunog na
nakikilala ng mga pinatutunguhan ng mga ito at tinutugunan na umano bilang
paraan ng kanilang komunikasyon sa bawat isa.
Gayon pa man, hindi pa rin
maikakaila na ang ideya ng hirerkiya ay nananatiling malakas na makikita sa
dokumentaryo sa pamamagitan ng isang unggoy na pinaniniwalaang pinaghaharian ng
iba dahil maaari nilang kuhanin ang kaniyang pagaari kasama na ang pagkaing
nasa kaniya nang bibig. Malakas din ang paghahari ng mga lalaki sa mga babae na
makikita sa kanilang mating season kung
kailan maaaring mamili na lamang ang lalaki ng kaniyang magiging kasiping
maliban sa pagpapakitang gilas upang makapukaw pansin.
Sa Pangkalahatan
Sa lahat ng ito, lumalabas sa akin
na ang mga unggoy at ang kanilang mundong nalalaman na pinakita ay nagtila ng
mga tao. Kawangis ng mundong nalalaman natin. Mga hayop sila na parang tao.
Paano naman kaya kung ang mga tao naman ang parang hayop? Marahil namlalaman na
ng marami sa atin ang maaaring maging hitsura ng kinabukasan.
_________________________________________________________________________________
The
Future of Media:
Convergence,
Collaboration, and What’s Next in the Media Biz
Binuo ng apat na kategorya ang
nasabing pagpupulong na ginanap sa Ayala Technohub. Ang mga ito ay: una, Politics/ Social Advocacy Track;
pangalawa, Technology Track,
pangatlo, Lifestyle Track; at
pangapat, Digital Marketing Track. Sa
kakulangan sa oras ay minabuti kong piliin na dumalo sa unang kategorya ng
pagpupulong. Lagay din naman na sa personal kong palagay ay hindi pa rin
naaabot ng bansa ang teknolohiya at kaakibat na pagaaral nito na ninanais ng
marami sa kagustuhang makipagsabayan sa takbo ng teknolohiya ng ibang mga
bansa. Maraming katanungan ang tangan-tangan ko habang nakaupo ako at
naghihintay sa pagsisimula ng pagpupulong. Ano nga naman ba ang katuturan ng
ganitong pagpupulong gayong hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na
iilan lamang naman ang maaari at/o mayroong access
sa internet?
Sa paligid pa lamang kung paanong sinaayos
ang pagdadausan ay makikita na ang Technological
Advancement na narating na ng media
sa loob ng maraming taon hanggang sa kasalukuyan. Naroon ang mga campaign ads na nagpapakita ng mga
paraan upang, halimbawa lamang, ay makapaglathala ng sariling aklat sa internet
nang hindi dumadaan sa tipikal na canonization
at marami pang iba na ang punto lamang ay ang marinig ng buong mundo ang
sarili mong tinig na hindi na kinakailangan pang dumaan sa mahirap na proseso
ng paglalathala.
Inakala kong simpleng pagpapaalam
lamang ng mga pagbabago sa teknolohiya ang magiging daloy ng pagpupulong. Dala
na rin naman ng katanungan na binigay ng mga tagapagtanong sa apat na panauhin
na sina: Mae Paner, Inday Espina-Varona, Amor Maclang, at Malou Mangahas. Where and how do you see media in 10 years? Maging
malaya lamang daw silang sumagot sa tanong basta doon lamang iikot ang buong
usapan sa kategoryang Politics/ Social Advocacy. Kung iisipin, para sa akin,
tipikal na tanong ito sa mga ganitong uri ng usapin. Dala na rin siguro ng mga
pagpupulong at patimpalak na napuntahan ko na kung saan palagian naman ang
ganitong tanong kung kaya hindi na ako nanibago pa sa pagkakarinig nito.
Natural lamang sa isip-isip ko na sumagot ang mga tagapagsalita ng
kabigla-bigla at kamangha-manghang mga bagay ayon sa larangan nila. Mga sagot
ba na tipikal na parang ipadarama sa iyo na naroon ka at nanunuod ng isang Beauty Pageant. Tipikal na sasabihin
nila kung ano na nga ba ang mga naging achievements
ng media, kasaysayan nito, at magbabanggit pa sila ng mga pangalan ng mga
nakapag-ambag sa ikinalago ng paksang nabanggit.
Kinagulat ko na lamang nang magsimula
ang usapan sa salitang “rebolusyon.” Lubhang malayo sa inaasahan kong magiging
daloy ng usapan. Ayon sa mga panauhin, magiging madali ang pagbabago kung
kailan yayakapin ng mga tao ang ideya ng rebolusyon. Hindi naman ito
nangangahulugang labanan kahit saan kung hindi ay rebolusyon ng kamalayan, ang
pangangailangan para magising ang lahat at magsalita. Ilang ulit din na
nabanggit ang mahirap na kalagayan ng mga Pilipino sa Mindanao na hindi naman
nakagagamit ng internet ang kalakhan nito.
Sa puntong ito, natanong ko sa
sarili ko muli ang nauna ko nang tanong. Ano nga ba ang silbi ng pagpupulong na
ito kung hndi naman lahat ay nakagagamit ng internet? Buong akala ko ay wala na
itong patutunguhan ngunit sinagot ng mga panauhin ang tanong ko kahit hindi
naman ako humawak ng mikropono upang personal na magtanong. Ang media umano ay
nagbabago habang tumatakbo ang panahon. Kasabay nito, ang mga nakagagamit
lamang din naman ng internet ay ang mga may kakayahan sa buhay tulad nating mga
nasa siyudad kung saan karaniwang pinagmumulan ng mga thought leaders. Sila, tayo, ang mga intelektwal na nararapat na
maging boses ng mga taong salat sa pagkakataong magsalita. Tayo ang mga thought
leaders na tinatawag. Sino nga ba ang magsisimula ng pagbabago? Tayo. Dadag pa
nila, ang media ay hindi nararapat na maging lugar kung saan naroon ang usapin
ng pagiging “tayo at sila.” Convergence ito. Ang media ay dapat “tayo.” Nangangahulugan
lamang na bigayan. Kung sino ang may kakayahan, siya ang tumulong. Gamitin ang
media sa ikabubuti ng marami at hindi ng iilan lamang.
Sa pagtatapos ng pagpupulong,
masasabi ko na naabot ng mga panauhin ang kanilang nilalayon na makapagtanim ng
tamang adbokasiya sa mga nakikinig. Tulad lamang ng pagtatama sa kaisipan ng
bawat nagnanais maging pinuno ng bayang ito. Kung nais maging pinuno, nararapat
lamang na sumuong sa problema ng bayan at makiisa sa pagpawi nito. Makiisa.
Gayon pa man, hanggang sa pagtatapos ay hinahanap ko pa rin ang sagot sa
puntong ano ang mangyayari sa media sa loob ng sampung taon. Tila nalimutan
nang sagutin ito. Sa huli, ang tagapakinig na lamang ang marahil dapat humusga
at magisip kung ano nga ba. Sa akin, hindi naman sa nalimutan itong sagutin.
Sinubukan itong sagutin sa paraan nga lamang ng pagsasabi ng mga nararapat
gawin dahil ang resulta na ang media bilang paraan ng pagbbigay boses sa mga
hindi makapagsalita ay nararapat na hindi na pinagiisipan pa.
_________________________________________________________________________________
Inception
Inception
Nilalaman ng
Pelikula
Shared
Dreaming ang pinakaunang pinakikita sa pelikula. Ito, ayon sa pelikula ay
nagmula sa mga military group kung
saan ang iba-ibang indibidwal ay nakaranas o nagkaroon ng iisang panaginip.
Pangalawang pinakikita sa pelikula ay kung paano nagkakaroon ng inception o simula. Ginamit ang “simula”
na ito sa pelikula bilang pagkakaroon ng panibagong panaginip sa loob pa ng
dumadaloy na kasalukuyang panaginip. Sa aking pananaw, ang ideya na
nagpapaandar sa kabuuan ng pelikula ay ang konsepto ng “panibago ng panibago”
hanggang sa makuha ng indibidwal ang nilalayon niyang maatim sa loob ng
panaginip.
Kung iisipin ang ganitong kaayusan,
hindi maihihiwalay na kinakailangan ng control
ng mismong indibidwal sa kanyang sariling panaginip. Hindi rin maikakaila
na sa ideyang minungkahi ng pelikula, mayroong isa na punong tagapanaginip at
ang ibang indibidwal ay nalalagay sa mundong kanyang nilikha. Sa ganitong
punto, maaari nang matanong kung mayroon ba o posible ba na ang indibidwal na
nananaginip ang magdikta ng mga pangyayari sa loob ng panaginip? Nadidiktahan
ba ang panaginip? Marahil, katanungan ito na hindi pa rin masagot ng siyensya
dahil upang mapatunayan ang isang haka-haka, kinakailangan ng maraming
ebidensya at pag-aaral. Ang mga ito ang pinilit itawid sa loob ng pelikula kaya
makakikitaan ito ng fragments ng
alaala ng tauhang si Cobb kung kailan sinubukan niya ang pagiging totoo at
epektibo ng konsepto sa kanyang asawa at ang biglaang pagkakaroon ng imbentong
makina kung saan napagdudugtong ang mga panaginip ng iba-ibang indibidwal at
napagkikita sila sa loob nito.
Ang Tao sa
Kanyang Panaginip
Hindi mabibilang ang mga panahon
kung kailan ninanais ng mga indibidwal na magkaroon sila o tayo ng
kapangyarihan upang madiktahan ang mundo ng ating panaginip. Ang pagnanais na
ito ang sinasagot ng pelikula. Naroon na ang grupo ni Cobb ay naghanap ng isang
indibidwal na magsisilbing arkitekto ng mundong gagalawan nila, si Ariadne.
Gayon pa man, karugtong ng nauna nang pahayag, pagnanais lamang ito at hindi pa
rin nasasagot ng siyensya. Patunay dito ang pabalik-balik o padating-dating na
mga bagay sa loob ng designed dream world
nila ng mga bagay galing sa alaala ni Cobb. Patunay ito na nakalalamang pa
rin ang kapangyarihan ng mga alaalang nakapagdulot ng matinding damdamin sa
pangyayari na ninanais nating matupad. Sinasabi lamang na malakas man ang
kagustuhan nating mabago ang mundong ginagalawan, hindi pa rin maikakaila na sa
mga siwang ng mundong iyon ay naroroon ang mga madamdaming alaala na siyang
nakasama pa rin sa pagbuo ng mundong pinaguusapan.
Karaniwan din na sinasabing ang
panaginip ang mundo ng mga bagay o pangyayari na hindi natin makamit sa
realidad. Sa gayon, maaaring ang mundo ng panaginip ay magugustuhan ng
indibidwal. Maaari rin naman na hindi depende sa panaginip na mayroon siya kung
sakaling biglang lumabas sa maganda niyang panaginip ang mga alaalang
nakapagdulot ng sakit ng kalooban tulad lamang sa palaging nangyayari kay Cobb.
Ang Tao sa Labas
ng Panaginip
Depende sa panaginip kung ano nga ba
ang magiging reaksyon ng tao pagkagising. Maaaring masama o mabuti. Sa
pelikula, mayroong mga tao na mas ginugusto na ang panaginip kung kaya
nananatili na lamang nananaginip. Malungkot na pangyayari ang ganito dahil ano
pa man ang sabihin ng marami kung gaano kaganda ang panaginip, nananatili pa
rin itong labas sa realidad na kinakailangan nating galawan.
No comments:
Post a Comment